Pinoy astronomer, kasamang magsasaliksik sa Jupiter

Sa patuloy ng paglalayag ng National Aeronautics and Space Administration o NASA gamit ang Juno spacecraft, uumpisahan na bukas, July 4 ng NASA ang pakikipagtulungan sa mga nangungunang amateurs at mga professional astronomers sa buong mundo. Kabilang dito ang Pinoy amateur astronomer mula sa Cebu na si Christopher Go, isang leading planetary imager na mahigit labindalawang taon nang nagsasagawa ng obserbasyon sa planetang Jupiter.