PH Communications Operations Office, hindi nakaligtas sa mga scammer

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) – Hindi nakaligtas ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa mga scammer.

Nakarating sa tanggapan ng PCOO na ang mga mapagsamantalang indibidwal ay gumamit ng cellphone number na 0995-278 4620 para sa solicitation gamit ang pangalan ni Secretary Martin Andanar.

Dahil dito, pinayuhan ng PCOO ang publiko na makipag-ugnayan sa kanilang legal affairs ang sinumang posibleng mahingan ng solicitation ng kawatan at maaaring tumawag sa 733-3624.

Ipinaalala pa ng PCOO na sa ilalim ng Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, at Republic Act Number 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act, ipinagbabawal nang mahigpit ang pagsolicit ng sinumang opisyal ng pamahalaan o empleyado ng gobyerno.