Peacetalks sa CPP-NPA-NDF, di apektado ng Marcos burial – Sec. Bello

(Eagle News) — Tiniyak ng malakanyang na hindi madidiskaril ang usapang pangkapayapaan na isinusulong sa National Democratic Front (NDF) dahil sa pagpapalibing kay dating pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Ito’y matapos tutulan ng NDF ang  pagpayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na maihimlay ang mga labi ng dating pangulong Marcos sa LNMB.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni government peace Panel Negotiator at Labor Secretary Silvestre Bello III, natural lamang na maglabas ng hinaing ang NDF lalo’t nalabag umano ang kanilang karapatang pantao nang magdeklara ng batas militar si Marcos.

https://youtu.be/mt-OYcXyF18