Pangulong Duterte, may target na sibakin na opisyal ng gobyerno

(Eagle News) – Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroon na naman siyang sisibakin na opisyal ng pamahalaan dahil sa umano’y katiwalian.

Ayon sa pangulo, tatanggalin ito sa pwesto kung mapapatunayang humingi nga ito ng pera.

“I am about to fire somebody from here.  If it will be proven na humingi siya ng pera, tatangalin ko sya,” sinabi pa ng Pangulo.

Muli pang nagpaalala ang pangulo sa mga kawani ng gobyerno na iwasan ang masangkot sa katiwalian dahil ito ang humahatak pababa sa bansa.

Aniya, kaya hindi umaasenso ang bansa ay dahil halos puro magnanakaw ang mga nasa gobyerno.

Hinding hindi niya aniya kukunsintehin ang mga corrupt na opisyal sa ilalim ng kaniyang panunungkulan.