Pahayag ni Lascañas, bahagi ng demolition job laban kay Pangulong Duterte

MANILA, Philippines (Eagle News) — Inihayag naman ng Malacañang na bahagi ng demolition job sa administrasyong Duterte ang pagbuhay sa isyu ng Davao Death Squad.

Sinabi naman ni Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, mananagot sa kasong perjury si Arturo Lascańas dahil binago nito ang kanyang testimonya sa pagdinig ng Senado na kumukontra kay DDS whistle blower Edgar Matobato.