Pagsuspinde sa lisensya ni De Lima bilang abugado, hiniling ng VACC

MANILA, Philippines (Eagle News) — Naghain ng supplemental complaint sa Korte Suprema ang  Voluteers Against Crime and Corruption (VACC)  para sa disbarment case na isinampa nito laban kay Senadora Leila De Lima dahil sa pakiki-pagrelasyon sa isang may-asawa na.

Idinagdag ng VACC sa kanilang disbarment complaint ang pag-amin ni Dayan sa pagdinig ng Kamara  na nagkaroon sila ng pitong-taong relasyon ni De Lima.

Nais rin  ng grupong VACC na agad suspendihin ng Office of the Bar Confidant bilang abugado si De Lima at kanilang panawagan sa senadorang bumababa na sa kaniyang pwesto matapos mismong aminin ni De Lima at ni Dayan na nagka-relasyon nga sila.