Pagpapalit ng hash code ng Smartmatic iginiit na hindi maliit na bagay

QUEZON City, Philippines (Eagle News) — Hindi maliit na bagay ang pagpapalit ng ‘hash code’ ng Smartmatic official na si Marlon Garcia sa transparency server ng Commission on Elections (Comelec).

Ito ang binigyang diin ni Rodolfo Javellana Jr., ng grupong Mata sa Balota Movement kasunod ng isinampa nilang kasong electoral sabotage sa Ombudsman.

Iginiit ni Javellana na ang ginawa ni Garcia ay nakaapekto sa integridad at kredibilidad ng eleksyon.

Bukod kay Garcia, sinampahan din ng katulad na kaso ang mga matataas na opisyal ng Comelec, PPCRV at Smartmatic.