Pag-alis sa VAT exemption ng Senior Citizen at PWDS, ‘di na itutuloy

MANILA, Philippines (Eagle News) — Posibleng hindi na alisin ang panukalang exemption ng Value Added Tax (VAT) sa mga senior citizen at persons with disability (PWDs).

Ito ay batay sa House Bill 4774  na inihain ni House Ways and Means Committee Chairman Rep. Dakila Carlo Cua.

Nakasaad sa nasabing panukala na hindi na itutuloy ang pagsusulong nang pag-aalis ng VAT exemption sa mga senior citizen at PWD’S, taliwas sa orihinal na proposal ng Department Of Finance (DOF).

Nakapaloob din sa panukalang ito ang pagpapababa ng income tax ng mga empleyado depende sa bracket ng kanilang sahod. Ngunit nakasaad din dito na ang mga sumasahod ng Php 250,000 pababa ay hindi na papatawan ng income tax.

https://www.youtube.com/watch?v=SMHIoY5uNzs