Padrino o “bata-bata” system, hindi uubra – Duterte

(Eagle News) — Suportado ng Philippine National Police (PNP) ang panukala ni Presumptive president Rodrigo Duterte na wakasan  ang “bata-bata system” o paggamit ng koneksyon sa mga pulitiko para makuha ang inaasam na posisyon o promosyon sa PNP.

Ayon kay PNP spokesperson PC/Supt. Wilben Mayor, bagaman matagal na aniyang hindi umiiral sa kanila ang ganitong klase ng sistema, malaking bagay aniya na muli itong binigyang diin ni Duterte.

Screen shot 2016-05-17 at 9.28.48 PM
PC/Supt. Wilben Mayor

Dagdag pa nito, ang kuwalipikasyon aniya talaga ng isang opisyal ang basehan ng PNP sa pagbibigay ng posisyon at hindi ang endorsement ng sinumang pulitiko at mayroon aniya silang Senior Officer Placement And Promotions Board (SOPPB) na tumitingin sa kwalipikasyon ng mga pulis na nag-aaplay sa isang partikular na posisyon.

Samantala, naniniwala naman ang PNP na magsisilbing babala ang posisyon ng susunod na pangulo sa nasabing usapin sa mga opisyal na nagpaplano o nag-iisip na maghanap ng padrino para makuha ang inaasam na posisyon.