P1M pabuya, nalikom ng VACC sa ikadarakip ni Ronnie Dayan

MANILA, Philippines (Eagle News) — Isang milyong piso ang inilagak na pabuya para sa ikadarakip ng dating driver at bodyguard ni Senator Leila De Lima na si Ronnie Dayan.

Ayon sa grupong Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), isang milyong piso ang kanilang nalikom para maging pabuya sa makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan nito.

Una nang pinaaaresto si Dayan dahil sa contempt at kabiguang pagharap sa House of Representatives.

Si Dayan ay akusado sa umano’y pagtanggap ng drug money para sa campaign expenses ni De Lima.

Una nang inamin ni De Lima ang pakikipagrelasyon nito kay Dayan na tumagal ng ilang taon.

Inihayag naman ni Atty. Ferdinand Topacio at VACC Chairman Dante Jimenez na mula sa pitong negosyante ang nasabing pera na hindi na nito pinangalanan pa.

Patuloy naman umano ang kanilang pakikipag- ugnayan sa PNP- CIDG para pangasiwaan ang pagbibigay pabuya sa informant.

https://youtu.be/aSNLJkBeOsM