Oil price rollback, magsisimula Abril 12

Screen shot 2016-04-11 at 8.26.44 PM
Oil Price Rollback simula Abril 12

(Eagle News) — Nag-anunsyo na ang mga kumpanya ng langis ng bawas-presyo sa mga produktong petrolyo na magsisimula sa Abril 12.

Magtatapyas ng P0.70 kada litro sa gasolina, P0.50 kada litro sa diesel at P0.55 sa kada litro ng kerosene ang Shell, Flying V, at Seaoil habang  P0.70 kada litro sa gasolina at P0.50 kada litro sa diesel din ang itatapyas ng PTT.

Sisimulan ng Shell at PTT ang naturang rollback sa ganap na 6:00 ng umaga bukas habang 12:01 naman ng hating-gabi magsisimula sa pagtapyas ang Flying V at Seaoil.

Samantala, ayon sa datos ng Department of Energy (DOE), naglalaro sa P20.22 hanggang P24.17 kada litro ang price range sa diesel habang P33.90 hanggang P42.39 ang sa gasolina.