Oil price hike ipinatupad na ngayong araw

MANILA, Philippines — Nagsimula na ngayong araw ang pagpapatupad ng dagdag singil sa presyo ng diesel at gasolina. Piso at sing-kwenta sentimos (P1.50) kada litro ang itataas ng diesel at piso at diyes sentimos (P1.10) sa kada litro naman ng gasolina.

Piso at diyes sentimos (P1.10) kada litro rin ang dagdag sa Kerosene ng Flying V at Seaoil.

Nagsimula ang taas presyo kaninang 6:00 ng umaga, maliban sa Flying V na nagpatupad na kaninang alas-dose ng hating-gabi.

https://youtu.be/tDAEoUx5njY