NTC nanawagan na huwag abusuhin ang emergency hotline

MANILA, Philippines (Eagle News) — Nanawagan ang National Telecommunications Commission (NTC) na huwag abusuhin ang emergency Hotline 911 at 8888 kapag ito ay tuluyan ng ipinatupad sa Agosto 1.

Sinabi ni Ntc Commissioner Edgardo Cabarios na dapat gamitin ng tama ang nasabing emergency numbers at huwag itong paglaruan.

Hindi naman aniya maiiwasan na mayroong prank calls na matatanggap subalit gagawa sila ng paraan para ito ay maiwasan.

Wala ring katiyakan kung may ipapatupad silang pagsingil sa bawat tawag sa mga emergency hotline.