Note verbale kontra China, inihain ng Pilipinas

(Eagle News) — Naghain ng “diplomatic communication” ang Pilipinas laban sa China makaraang mapaulat na naglagay ito ng anti-aircraft at anti-missile weapons sa mga artipisyal na isla sa West Philippine Sea.

Ayon kay Foreign Affairs (DFA) Secretary Perfecto Yasay Jr., ipinalabas ng pamahalaan ang “note verbale” kasunod ng report ng Center for Strategic and International Studies ng Estados Unidos hinggil sa naging hakbang ng China.

Nilinaw naman ng kalihim na hindi gagawin ng Pilipinas ang “provocative” action ang reklamo laban sa China na lalong magpapalala sa sitwasyon.

https://youtu.be/k35nr0mi-NE