
(Eagle News) — Former President Benigno Aquino III on Thursday answered President Rodrigo Duterte’s questions on his involvement and liability in the Mamasapano massacre, insisting that this was not his fault, but that of former police special action forces director Getulio Napeñas Jr.
“Nangako po akong manahimik ng isang taon. Pero nitong Martes, nagsalita si Pangulong Duterte. Sa pakiwari ko: Tama lang po na tumugon ako,” Aquino said in a statement on Thursday, January 26.
“Sa pagtatapos, kung may kasalanan po ako bilang Pangulo nung panahong iyon, ito po: ni minsan, hindi pumasok sa isip kong magagawa ni Napeñas na magsinungaling sa Pangulo ng Pilipinas,” Aquino said.
The former President said his fault was that he trusted the two-star police officer.
“Pinagkatiwalaan ko ang isang two-star police officer, na ako pa mismo ang nagpromote. Naniwala akong itong graduate ng PMA [Philippine Military Academy] ay tatalima sa values ng paaralan na ‘Courage, Integrity, Loyalty,’” he added.
“Alam na po natin ang nangyari: Ang atas para mag-coordinate na dapat ‘days before’, naging ‘time after target,’ gaya ng sinabi na rin ng Senate Committee Report. Dahil walang coordination, ang AFP [Armed Forces of the Philippines], nagkandarapa, dahil yung mga detalyeng dapat alam nila, gaya ng sino ang tutulungan at saan, saka pa lang nila inaalam,” Aquino said.
The former chief executive said the Mamasapano tragedy would not have happened if only Napeñas and the Philippine National Police Special Action Forces had followed his instructions.
“Hindi ko maiwasang isipin: Kung sinunod lang ang lohikal at legal kong utos, hindi mangyayari ang trahedya sa Mamasapano,” he said.
“Kaya po nung iprinesenta ni Ginoong Napeñas ang Oplan Exodus, kung saan gagamit daw siya ng 160 Seaborne operatives, na haharap sa higit 3,000 na potensyal na armadong kalaban, kaagad na pumasok sa isip kong pwedeng ma-pintakasi ang sasabak na SAF. Kaya inutusan ko si Napeñas na kailangan niyang makipag-coordinate sa AFP para maihanda ang mechanized units, artillery, eroplano, tao at iba pang assets na kailangan para hindi mangyari ang pintakasi. Sagot ni Mr. Napeñas: ‘Yes, sir.’ Matapos ang imbestigasyon, lumabas na wala palang 160 ang Seaborne. Higit 70 lang ang bilang nila at 54 sa kanila ang operators,” Aquino said.
He added: “Dagdag pa ni Napeñas, mangyayari ang coordination kapag moving na raw sila. Tumanggi ako dito; sabi ko, kailangang may sapat at supisyenteng araw para maiposisyon ang lahat ng assets. Ang sagot na naman niya: ‘Yes, sir.'”
Aquino also denied that the Mamasapano tragedy was an operation of the United States Central Intelligence Agency. (CIA)
“Bago pa man ang panahon ko, tumutulong na ang Estados Unidos sa ating mga operasyon. Ang sa akin, Pilipino ang mga kausap ko. Pilipino ang nagbibigay-ulat sa akin, at Pilipino ang nagsagawa ng misyon. Ultimong asset na nakalapit kina Marwan, asset ng ating gobyerno,” he said.
He also clarified what then Davao City mayor Rodrigo Duterte had overheard him giving instructions in Zamboanga City.
“Nung nasa Zamboanga kami, sinabihan akong pagabi na; mahihirapan nang mag-link up ang mga tropa; at bukas na lang itutuloy ang pagsaklolo sa kanila. Doon ako sumagot: “Kung ikaw ang nandoon, okay ba sa iyo yan? Buong araw na silang nakikipagbakbakan; malamang wala na silang bala. Gamitin ninyo lahat ng assets. Ituloy ito at i- rescue sila. Ang minimum na ireport ninyo sa akin, na-resupply sila. Inatasan ko ang mga opisyal ng AFP at PNP na gawin ang lahat para sa objective nilang mailigtas ang SAF,” Aquino said.
He also corrected what President Duterte had said about PNP-SAF, that its expertise was in urban terrorism.
Aquino said that SAF can be deployed even for counter-insurgency operations in rural areas.
“Kahapon nga po, pinuntahan namin ang website ng PNP-SAF (http://pnpsaf.org.ph/index.php/about-us). Nakalagay sa umpisa pa lang sa mission statement ng SAF: “To conduct operations as a Rapid Deployment Force anywhere in the country specifically in situations with national and international implication in the areas of Hostage Rescue; Commando-Type Unconventional Warfare; Search and Rescue in times of calamities and disasters; Civil Disturbance Management during national emergency; and other special operations.”
“Idiin ko po ang: “anywhere in the country,” Aquino said.
“Klaro po, hindi limitado ang operasyon ng SAF sa urban areas. Sa SAF rin po, sa pagkakaalam ko, at batay na rin sa isang dating direktor nila, ang unang kursong tinuturo sa kanila ay tinatawag na commando course. Pang-counter insurgency po ito, at ang insurgency po natin, nasa rural areas.”
Aquino also clarified why it was the PNP and not the military which conducted the operations.
“Ang PNP ang namuno sa operasyon dahil sila ang nakahanap ng tinatawag na actionable intelligence. Paalala ko lang rin po: Law enforcement operation ang pinapatupad natin dito, at inaaksyunan natin ang warrant of arrest kina Marwan at Usman. Alam po natin, PNP ang may police power at may tungkuling ipatupad ang arrest warrant,” he said.
As to the question on where the $5 million reward money from the United States went, Aquino said, “Hindi po natin masabi, dahil hindi naman po natin reward ito. Sa totoo lang ho, hindi na rin tayo nakialam sa reward.”
He also explained why there were only two from the PNP-SAF, who were awarded PNP medals of valor.
“Ang paggawad po ng mga parangal na ito ay dumadaan sa isang proseso; nakabase ito sa rekomendasyon ng isang board ng PNP,” Aquino said.





