NCRPO: Isa pang suspek sa tangkang pambobomba sa US Embassy, nadakip

MANILA, Philippines (Eagle News) — Kinumpirma ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Chief Supt. Oscar Albayalde ang pagkaka- aresto ng isa pang suspek sa pagtatangkang pambobomba sa kahabaan ng Roxas Boulevard malapit sa US Embassy.

Tumanggi namang pangalanan ni Albayalde ang panibagong suspek na naaresto dahil mismong si PNP chief Ronald Bato Dela Rosa ang magpiprisinta nito sa media ngayong araw, Disyembre 7.

Una rito, dalawa sa mga suspek na nadakip ay kinilalang sina Ryson Kilala at Jiaher Guinar.

Sa ngayon dalawa pang suspek ang patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad.

https://youtu.be/VDRrCT1f_44