Natiwalag na miyembro ng Iglesia Ni Cristo na si Lowell Menorca II, nasa Vietnam na

MANILa, Philippines (Eagle News) — Nasa Vietnam na ang natiwalag na miyembro ng Iglesia Ni Cristo na si Lowell Menorca II.

Kinumpira ito ng Bureau of Immigration taliwas sa sinabi ni Attorney Trixie Angeles, abugado ni Menorca na nawawala at hindi nya macontact ang kaniyang kliyente.

Ngayong araw sana ang gagawing cross examination ng mga abugado ng INC para kay Menorca sa Court of Appelas subalit lumabas na pala ng bansa.

Sa isinagawang news conference, pinatotohanan ng Iglesi Ni Cristo na nakita nga sa Vietnam si Menorca at ang pamilya nito.

Ipinakita ni INC Spokeman Bro. Edwil Zabala si “Tin” at “Ding” na ngayon ay nasa Ho Chi Min City at pinatotothanang nakasabay nila ang pamilya Menorca mula sa NAIA Terminal 3 hanggang sa makarating sa Vietnam.

Bukos sa kasong libelo, may kinakaharap ding kasong adultery at estafa sa bansa si Menorca.