Mungkahing gawing 2 ang anak ng bawat pamilya, hindi mandatory – POPCOM

MANILA, Philippines (Eagle News) — Nilinaw ng Commission on Population (POPCOM) na hindi mandatory kundi nagmumungkahi lamang sila sa usapin na gawing dalawang anak lamang sa kada pamilya.

Sa panayam ng Liwanagin Natin,  sinabi ni Dr. Juan Anthonio Perez III,  Executive Director ng PopCom, iminungkahi nila ang isyu upang mapigilan ang pagtaas ng populasyon sa bansa.

Aniya, alam naman nila na hindi nila maaring obligahin ang sinuman na sumunod sa naturang bilang ng dapat na maging anak.

https://youtu.be/zQv0qV928pc