Mga tutol sa death penalty, umapelang idaan ang panukala sa conscience vote

(Eagle News) — Nais ni House Minority Leader Danilo Suarez na limitan lamang sa panahon ng Duterte administration ang pagpapataw ng death penalty.

Ayon kay Suarez, isa pangunahing may-akda ng panukala, sa oras na magsimula na ang period of amendments ay magsisingit siya ng tinatawag na sunset provision sa death penalty bill.

Samantala, ang mga anti-death penalty sa minorya naman ay umapila na idaan ang panukalang ito sa conscience votes ng mga kongresista.

Ayon kina Buhay Rep. Lito Atienza at Coop Natco Rep. Anthony Bravo, sa ganitong paraan ay hindi mapupwersa ang mga kongresista na sumunod sa kaninuman sa pagboto sa parusang kamatayan kundi sariling kunsiyensya at paninindigan ang paiiralin dito.

https://youtu.be/SiBkpj3Kg9U