Mga residente malapit sa Kampo Crame, binulabog ng bomb scare

MANILA, Philippines (Eagle News)– Isang improvised explosive device ang natagpuan ng mga garbage collector sa isang kanto malapit sa Kampo Crame kahapon, Enero 11.

Pero sa pagsusuri ng mga taga PNP Explosive Ordnance Division na rumesponde sa lugar, inactive o walang kakayahang sumabog ang natagpuang bomba na ginagamit umano bilang training aide ng mga awtoridad.

 

https://youtu.be/-dvg1bFUKIE