Mga pulis na idinawit sa pagkamatay ni Espinosa, nanindigang walang conspiracy sa isinagawang raid

MANILA, Philippines (Eagle News) — Ipinagpatuloy nitong Lunes (Enero 23) ng Department of Justice ( DOJ) ang preliminary investigation sa mga pulis na kinasuhan dahil sa pagpaslang kay dating Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa sa selda nito.

Humarap sa pagdinig ang anak ni Espinosa na si Kerwin at naghain ng supplemental complaint affidavit bilang pribadong compainant laban sa mga pulis na kasama sa raiding team.

Gayundin ang mga pulis na idinadawit sa pagkamatay  ng alkalde, anila lehitimo ang operasyon nila sa selda ni Espinosa noong November 5, 2016.

https://youtu.be/cAx8On3N44s