Mga pasaway na pulis na di sumipot at humarap kay Pangulong Duterte, mahaharap sa karagdagang kaso

MANILA, Philipppines (Eagle News) — Mahaharap sa karagdagang kasong administratibo ang mga pasaway na pulis na hindi sumipot at humarap kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang noong Lunes, Pebrero 7.

Ang mga hindi naman magrereport sa kanilang bagong asaignment sa Basilan, titiyakin daw ng Philippine National Police na hindi na makakabalik sa serbisyo oras na mag AWOL (Absent without Official Leave) o maghain ng resignation.