Mga miyembro ng PNP, pangalawa sa may maraming kaso sa Ombudsman

MANILA, Philippines (Eagle News) — Sa report na inilabas ng Office of the Ombudsman nangunguna pa rin ang Local Government Unit sa listahan ng may pinakamaraming kaso sa Ombudsman

Pumangalawa naman sa listahan ang mga alagad ng batas na nakapagtala ng 1,022 na kaso noong 2016.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), tanggap nila ito pero ilan daw sa mga kasong ito ay sila mismo ang nagsamapa laban sa mga sarili nilang tauhan.

Habang marami din daw sa mga kasong ito ay bahagi naman ng harassment sa kanilang mga tauhan.

https://youtu.be/7iMKASLKyho