Mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo, nagtipon-tipon sa Mall na nasa Edsa, Mandaluyong

AGOSTO 28 (Eagle News) — Mula pa kaninang alas-tres ng hapon ay nagsimula ng magtipun-tipon ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa mga mall sa Edsa, Mandaluyong.

Ang mga miyembro ng INC ay hindi nanggaling sa naunang isinagawang “Peaceful Assembly” na ginanap sa Padre Faura Street, ang mga miyembrong dumadagsa sa mga mall ay mula pa sa iba’t-ibang lugar tulad ng Laguna, Marikina, Zambales,  Isabela, Pasig at Makati.

Karamihan sa mga taong dumagsa sa Edsa, Mandaluyong ay hindi na nagdala ng kani-kanilang mga sasakyan, kaya naman ang pagdagsa ng tao ay hindi nakaaapekto sa daloy ng trapiko.