Mga hinuling magsasaka sa Kidapawan, dapat palayain

kidapawan incidentEagle News – Himutok pa ng mga militante ang mga mahihirap na magsasakang  dumadaing ng gutom ang hinuli at ikunulong habang ang kagaya ni Janet Lim Napoles pinalalaya

Isang sulat naman ang ipinarating ng Grupong Gabriella sa kalihim ng Department of Justice.

Hiling nila ang pagpapalaya sa anim na Senior Citizen  at tatlong babaeng buntis na hinuli at ikinulong at kinasuhan ng Direct Assault.

Paliwanag ng grupo walang kakayanan ang mga matatanda at buntis sa inaakusang kaso sa kanila at ang dapat na manatili sa kulungan ang kagaya ni Napoles na nagnakaw sa kaban ng bayan.