Malaking kakulangan ng mga tauhan, dahilan sa natuklasang ‘Karangyaan’ sa Bilibid

Hindi na nagulat ang pinuno ng Bureau of Corrections sa natuklasang mararangayang selda sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa.

Isinisi ni Bucor Director Franklin Jesus Bucayo ang mga natuklasan sa malaking kakulangan sa bilang ng mga tauhan at sa sistema sa maximum security compound.

matatandaan na kahapon ng umaga, nilusod ng operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang NBP para sa operasyon kontra sa ilegal na droga.

Pero tumambad sa kanila ang mga kubol na may Jacuzzi, sauna at music studio.

Natagpuan din dito ang droga, cash, relo, alahas at iba pang bagay na ipinagbabawal sa loob ng kulungan.