Mag-amang Binay, nahaharap muli sa Plunder complaint sa Ombudsman


Muling ipinagharap ng plunder complaint sa Ombudsman sina Vice President Jejomar Binay at anak na si Makati City Mayor Jun Jun Binay.

Sa pagkakataong ito, dahil naman sa umano’y overpriced na Makati Science High School building sa Cembo Makat ang reklamo.

Sa complaint ni Atty. Renato Bondal, inakusahan nito ang mag amang Binay na kumita umano ng 800-milyong pisong kickback.

Ang Makati Science High School building umano ang pinakamahal na High School building sa kasaysayan ng Pilipinas na inabot ng P1.33 bilyon.

Una na ring kinasuhan si Binay dahil sa umanoy overpriced Makati parking bldg at City Hall.