Mababang generation charge, dahilan ng bawas-singil sa kuryente

MANILA, Philippines (Eagle News) — May bawas singil sa kuryente ang Meralco ngayong buwan, ito ay papatak sa 27 centavos (Php 0.27) kada kilowatt hour.

Katumbas ito ng 54 pesos na bawas singil sa mga kumokonsumo ng 200 kilowatt hour kada buwan.

Ito na ang pinakamababang overall reduction ng Meralco sa singil sa kuryente magmula noong taong 2009.

Ayon sa Meralco, ang pagbaba sa singil sa kuryente ngayong buwan ay bunsod ng pagbababa sa generation charge na aabot sa Php 0.23 centavos na pinakamababa magmula noong October 2004.

https://youtu.be/CGyVMv-2OCQ