Landslide, naranasan sa San Francisco, Surigao Del Norte

SAN FRANCISCO, Surigao Del Norte (Eagle News) — Isinailalim na sa Alert Level 2 ang Purok Uno, Barangay Oslao, San Francisco, Surigao Del Norte dahil sa landslide.

Ito ay pagkatapos na makita at mamonitor ang paglaki ng biyak sa bundok. Naglabas na ng advisory ang pamunuan ng lalawigan para sa evacuation ng limampu’t-limang kabahayan.

Samantala, nakakaranas din ng pag-ulan ang buong lalawigan ng surigao na nasa Alert Level 1 na ngayon.

Sa ngayon ay may naitala ng halos tatlong daan na nasirang bahay at mahigit dalawang libo kabahayan naman ang bahagyang napinsala.

Apatnapu’t-anim na barangay na ang naabot ng relief goods at nagpapatuloy parin ang paghahatid nito sa mga bayan na naapektuhan ng nagdaang lindol at mga pag-ulan.

Eagle News Service