Kampanya laban sa katiwalian, inilunsad ni Pang. Duterte

Bukod sa kampanya laban sa kriminalidad at illegal na droga, inilunsad din ni Pangulong Rodrigo Duterte ang giyera laban sa katiwalian.

Sa kaniyang magkahiwalay na talumpati sa panunumpa ng mga negosyante at mga opiysal ng military, sinabi ni pangulong duterte na magsasagawa ng paglilinis ang administrasyon sa hanay ng mga ahensya ng gobyerno.

Partikular na tinukoy ng pangulo ang mga regulatory agency gaya ng Land Transportation Office At Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.

Sinabi ng pangulo na marami ang iiyak, pero mas maraming Pilipino naman ang matutuwa dahil ang commitment ng kaniyang administrasyon laban sa katiwalian ay hanggang sa huling araw ng kaniyang termino.