MANILA, Philippines (Eagle News) — Magsasagawa ng sariling imbestigasyon ang Kamara sa mga iregularidad na kinasasangkutan ng gambling tycoon na si Jack Lam.
Napagdesisyunan na may hurisdiksiyon ang lupon para siyasatin ang mga isyu tungkol kay Jack Lam.
Ayon kay House Committee on Good Government and Public Accountability Chairman Johnny Pimentel, kabilang sa mga isyung sesentruhan ng kanilang imbestigasyon ang umanoy iligal na operasyon ng online gaming business ni Lam.
Gayundin ang pagkuha nito ng mga empleyadong Chinese na walang dokumento.
Uungkatin din aniya nila ang hindi nabayaran ni Jack Lam na 13.9 billion sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) maging ang panunuhol sa mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI).
Gayunman, wala pang eksaktong petsa kung kailan gagawin ang isasagawang imbestigasyon.
https://youtu.be/4g3Ghdy-qLw





