Ilang sakop ng Manila Water, may water interruption din

(Eagle News) — Makakaranas  rin  ng water interruption  ang mga customer ng Manila Water Company mula sa  ilang lugar sa Metro Manila at  Rizal, simula Martes (Agosto 11) hanggang Biyernes upang bigyang daan ang maintenance procedure.

Ang water service interruption ay magsisimula gabi ng Agosto 11  at  matatapos ng alas sais ng umaga Agosto 12, para sa mga residente ng Banaba at Ampid 1 sa Rizal .

Habang ang mga residente naman ng Burgos sa Rizal ay makakaranas ng  interruption simula  Agosto 12 ng alas tres ng madaling araw.

https://www.youtube.com/watch?v=iDa3Vrj4Swc

Ang mga customer ng Manila Water, mula Addition Hills, Mauway, Pleasant Hills at Malamin sa Mandaluyong City ay  makakaranas din ng  water interruption simula ika-10 ng gabi ng Agosto 11, hanggang Agosto 12 ng ika-anim ng umaga.

Ang mga residente  sa  bahagi ng South e.e at mother ignacia sa quezon city ay  makakaranas ng  water service interruption  simula mamayang alas diez ng gabi hanggang  bukas ng alas singko ng madaling araw…

Mawawalan din ng suplay ng tubig ang mga residente ng San Antonio , Ugong, Ocai,  at Kapitolyo sa Pasig  simula sa huwebes ng alas-10 ng gabi hanggang alas-6 ng Biernes ng umaga.

Ganito rin ang mararanasan ng mga nasa bahagi ng Highway Hills  at Buwayang Bato sa Mandaluyong City .