Ilang lugar sa Bohol, may red tide alert

(Eagle News) — Muling itinaas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources-Region 7 ang red tide alert sa Bohol na sumasakop sa mga bayan ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol.

Kaya naman mahigpit na ipinagbabawal ang pangunguha at pagbebenta ng shellfish mula sa mga nabanggit na lugar.

Nagpahayag naman ng pagkabahala ang mga nagbebenta ng isda sa mga palengke sa epekto nito sa kanilang hanap buhay.

Matatandaang itinaas din ang red tide alert sa Dauis at Tagbilaran noong nakaraang taon hanggang Marso ngayong taon na matinding nakaapekto sa ikinabubuhay ng mga residente sa lugar.

Patuloy namang pinaalalahanan ng BFAR- Bohol ang local government ng Dauis at Tagbilaran na manatiling mapagmatyag at i-monitor ang coastal areas.

https://youtu.be/PY3BKucji5A