Hinihinalang mga miyembro ng BIFF pinasabugan ang PNP-HQ sa Maguindanao

(Eagle News) — Binulabog ng sunod-sunod na pagsabog ang provincial headquarters ng Philippine National Police sa bayan ng Shariff Aguak sa Maguindanao.

Ayon  kay Maguindanao Police Provincial Director Senior Superintendent  Agustin  Tello, pinasabugan ng     limang rounds ng M203 grenade launcher ng hinihinalang mga miyembro ng  Bangsamoro Islamic Freedom Fighters  (BIFF) ang naturang punong himpilan ngunit lumagpas ito at tumama sa kabahayan ng sibilyan.

Sugatan naman sa nangyaring pagsabog  ang 70 taong  gulang na lalaki nakilalang si Bualan Munib  matapos tamaan ng  shrapnel sa  mukha.

Nasa ligtas nang kalagayan ngayon ang  sugatang sibilyan habang patuloy na tinutugis ng mga otoridad  ang mga bandidong responsable sa naturang pag-atake.