Grupo ng mga mangingisda, tutol sa pagtatayo ng theme park sa Coron, Palawan

MANILA, Philippines (Eagle News) — Kinontra rin ng isang grupong ng mga  mangingisda ang planong pagtatayo ng underwater resort at theme park sa Coron, Palawan.

Ayon sa grupong Pamalakaya, malaking banta ang proyekto sa binansagang last ecological frontier ng bansa.

Ang plano anila ng kumpanyang Nickelodeon ay magdudulot ng pinsala sa marine environment sa Palawan.

Iginiit ng Pamalakaya na mali na ma-kompromiso ang pagiging fishing hub ng Palawan dahil sa pagtatayo ng leisure park na ang unang tatamaan ay ang kabuhayan ng mga mangingisda.

Matatagpuan sa Palawan ang mahigit 300 species ng mga coral at breeding ground ng 1,500 na uri ng mga isda.

https://youtu.be/sUkvtR9zt30