Duterte Game App, patok ngayon

MANILA, Philippines (Eagle News) — Marami ngayong mga mobile user ang nahuhumaling na mag-download ng game application na batay sa personalidad ni Incoming President Rodrigo Duterte.

Tampok sa game application ang pakikipagbarilan ni Duterte sa mga armadong kriminal at mga masasamang tao gamit ang iba’t-ibang klase ng armas at pampasabog.

May boses din si Duterte na naririnig sa game app maliban sa makukulay na graphics.

Kapag na-game over naman ang gamer ay lalabas ang larawan ni Mommy Dionesia Pacquiao.

Ginawa ng game developer na si Anjo Pascual ang application na tinawag niyang “Fighting Crime: Duterte Edition.”

Sa ngayon ay mahigit 100-thousand na ang nag-download ng laro sa Google Play Store pero hindi ito pwedeng laruin ng mga menor-de-edad.