DPWH, magsasagawa ng road re-blocking sa ilang bahagi ng QC simula mamayang gabi

Screen shot 2016-04-21 at 8.19.30 PM

 

 

 

 

 

(Eagle News) — Magsasagawa ng road reblocking ang Department Of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang bahagi ng Quezon City simula 10:00 ng gabi.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Emerson Carlo, inirekomenda ni DPWH-National Capital Region (NCR) Director Melvin Navarro ang nasabing reblocking at repair para sa maintenance purposes.

Kabilang sa mga maapektuhan ng road-reblocking ay ang mga sumusunod:

  • Southbound
    • Commonwealth Avenue (mula Riverside hanggang Sandigan, 2nd lane mula sa Center Island);
    • Bonifacio Ave. (tabi ng North cemetery malapit sa Calavite Street, 3rd lane)
    • Quirino Highway (malapit sa fatima gate, 2nd lane)
    • P. Garcia Street (pagitan ng H.R. Ocampo at Katipunan Avenue, 2nd lane mula sa sidewalk)
  • Northbound
    • Commonwealth Avenue (mula Ever Gotesco Mall hanggang Sandigan, 2nd lane mula sa Center Island)
    • Congressional Extension Luzon Avenue hanggang Tandang Sora Avenue

Pinapayuhan ang mga motorista na iwasan ang mga nabanggit na lugar at gamitin ang mga alternatibong ruta.

Samantala, muli nang madadaanan ang mga apektadong kalsada sa Lunes, Abril 25.