DepEd, isinama ang private schools sa policy review ng field trips

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Nilinaw ng Department of Education (DepEd)na kasama ang mga pribadong paaralan sa pag-repaso sa polisiya ng  mga field trip.

Ayon sa DepEd, isasama sa study committee ang mga kinatawan ng private schools.

Paliwanag ng ahensya, hindi kasama sa ngayon ang private schools sa moratorium dahil sila mismo ang  mananagot sa kanilang mga aktibidad.

Kaya naman iminungkahi ng komite na  isama na rin ang mga private school kasunod nang nangyaring trahedya sa Tanay Rizal na ikinasawi ng mga estudyante ng Best Link Colleges.

Eagle News Service

https://youtu.be/OGZ23NJngZo