Deliberasyon ng mosyon sa paglilibing kay dating pangulong Marcos, ipinagpaliban sa susunod na linggo

(Eagle News) — Iniurong ng Supreme Court sa susunod na linggo ang pagtalakay sa dalawang bagong petisyon ng mga grupong kontra sa naging libing kay dating pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LNMB) noong Biyernes.

Ayon kay Supreme Court Public Information Office chief Atty. Theodore Te, tinalakay sa En Banc Session ng mga mahistrado ang mga mosyon na inihain ng mga anti-Marcos petitioner.

Pero ipinagpaliban anya ang pag-aksyon at itutuloy na lang sa susunod na Martes ang deliberasyon sa mga mosyon.