Defense Chief:  Militarisasyon ng China sa West PHL Sea, nakakabahala

(Eagle News) — Nagdulot umano ng pangamba ang ginagawang militarisasyon ng China sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, nakakabahala ang nasabing aktibidad ng China sa kabilang ng panawagang kapayapaan ng pamahalaan.

Makikita sa inilabas na satellite photos ng US Think Tank CSIS Asia Maritime Transparency Initiative (AMTI) nito lamang Disyembre ang tila weapons system na inilagay sa Johnson Reef o Mabini Reef.