De Lima, inakusahan ang Pangulong Duterte na pasimuno ng extra judicial killings

MANILA, Philippines (Eagle News) — Inakusahan ni Senadora Leila De Lima na umano’y murderer at pasimuno ng extra judicial killings si Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasunod ito ng pagdepensa ng Pangulo sa mga pulis na nanguna sa jail raid na ikinasawi ni Albuera Leyte Mayor  Rolando Espinosa.

Hindi naman kumbinsido si De Lima sa report ng Committee on Justice and Human Rights (CHR) kung saan inabsuwelto ang Pangulo sa anumang pananagutan sa mga kaso ng pagpatay.