De Lima dapat mag-resign, matapos aminin ang relasyon kay Dayan – Panelo

MANILA, Philippines (Eagle News) — Kailangan na umanong magbitiw sa puwesto ni Senator Leila Delima.

Ito ang panawagan ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo, matapos aminin ng senadora ang naging relasyon nito sa kanyang driver- bodyguard na si Ronnie Dayan.

Sa statement na inilabas ni Panelo, sinabi nito na ang pag-amin umano ni De Lima ay makapagpapatunay sa una nang inihayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na pagiging imoral umano ng senadora.

Ayon pa sa Pangulo, si Dayan ay sangkot sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison.

https://youtu.be/nEkBy2eJPlg