Dating SEC chief Yasay, tinanggap ang alok na maging acting DFA Secretary

Tinanggap na ni dating Securities and Exchange Commission Chairman Perfecto Yasay Jr. Ang alok ni president-elect Rodrigo Duterte na maging acting secretary ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Si Yasay ay Tubong Kidapawan City, North Cotabato at kabilang sa mga unang batch na pinangalanan ni Duterte para magsilbi bilang gabinete sa kaniyang administrasyon.

Si yasay ay isa ring abugado at nagtapos sa University of the Philippines.

Nagkaroon din ng papel si Yasay sa naging impeachment trial kay dating Pangulong Joseph Estrada na inakusahan niya ng corruption at abuse of authority.