Dalawang NGCP Towers sa North Cotabato, binomba

(Eagle News) — Dalawang transmission towers ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang muling binomba sa Carmen, North Cotabato ng di pa nakikilalang mga suspek, Abril 19.

Ayon sa Philippine Army (PA), pinasabog ng mga suspek ang Tower 95 sa Brgy. Kitulaan at Tower 96 sa Brgy. Aroman gamit ang Improvised Explosive Devices (IED’s).

Sa kabila nito, patuloy pa ring gumagana ang naturang mga tower pagkatapos ng pagpapasabog.

Samantala, nagpadala na ng mga tauhan ang PA sa naturang site para sa clearing operations.

Matatandaang noong Marso 2 ng kasalukuyang taon, pinasabog din ang Tower 63 ng NGCP sa North Cotabato.