Confirmatory test, ilalabas ng NBI kaugnay ng summer concert’ tragedy sa Pasay

MANILA, Philippines — Posibleng ilabas ngayong araw ng National Bureau Of Investigation (NBI) ang kanilang confirmatory test para malaman ang ininom na gamot ng limang namatay sa nangyaring concert sa Mall of Asia  Open ground sa Pasay City.

Ayon kay Joel Tovera, head ng Death Investigation Division ng NBI, may mga lumabas kasing report na uminom muna ng ipinagbabawal na gamot ang mga nanood bago pumasok sa venue.

Bukod dito, kinumpirma rin ng Philippine National Police na may mga batang nagbebenta ng ilegal na droga sa concert ground.

May mga nakuha umanong testigo ang pnp para patunayang may bentahan ng droga sa loob ng venue sa kasagsagan ng 12 oras na concert. (Eagle News)