COMELEC Chairman, di magbibitiw sa puwesto

Hindi magbibitiw sa puwesto si Comelec Chairman Andres Bautista.

Ito’y sa kabila ng alegasyon ng failure of leadership laban sa kanya ng anim na commissioners ng poll body.

Ayon kay bautista, hindi siya magre- resign dahil wala naman siyang ginagawang kasalanan.

Tiniyak ng COMELEC Chairman na handa niyang sagutin ang memorandum na ipinadala sa kanya ng mga commissioner.

Una nang sinisi ng mga commissioner si Bautista sa pagkakaantala sa paglalabas ng honoraria ng mga gurong nagsilbing Board of Election Inspectors noong nakaraang halalan.