Chinese trader, biktima ng Tokhang for Ransom – Solon

MANILA, Philippines (Eagle News) — Isang Filipino-Chinese sugar trader na malapit kay Pangulong Rodrigo Duterte ang nabiktima rin umano ng “tokhang for ransom.”

Kinumpirma ito ni Kabayan Representative Harry Roque na nagsabing siya pa ang personal na tumawag kay Executive Secretary Salvador Medialdea at agad kumilos ang malakanyang kaya napakawalan ang biktima na personal din umano niyang kaibigan.

Hindi pinangalanan ni Roque ang biktima pero sinabi niyang nangyari ang insidente noong Agosto ng 2016.

Ang biktima na naimbitahan pa umano ng pangulo sa inagurasyon nito ay pinuntahan ng mga tauhan ng CIDG Bulacan sa bahay at sinabihang may warrant of arrest.

https://youtu.be/yT8CcfHDvAM