China tinabla ang protestang inihain ng Pilipinas

(Eagle News) — Iginiit ng China na lehitimo at legal ang paglalagay nila ng mga military facility sa mga artipisyal na isla sa South China Sea.

Ayon kay Chinese Foreign Ministry spokesperson Hua Chunying, may karapatan ang China na magtayo ng mga pasilidad lalo’t may soberenya sila sa mga ito.

Gayunman, nangako ang China na makikipagtulungan sila para resolbahin sa mapayapa at maayos na pamamaraan ang mga hindi pagkakaunawaan  ng mga bansang may claim sa karagatan.

Una nang kinumpirma ni Foreign Affairs secretary Perfecto Yasay na nagpadala ang Pilipinas ng note verbale sa China upang iprotesta ang mga inilagay na armas sa mga artipisyal na isla.