CHED: Wala pang tuition fee increase

MANILA, Philippines (Eagle News) — Tiniyak ng Commission on Higher Education na walang tuition fee increase na mangyayari sa ilalim ng Duterte administration.

Bukod sa una nang ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na libreng tuition fee sa lahat ng state universities at colleges. Tiniyak ng ahensya na mayroon pang nakalinyang free tuition programs ang gobyerno.

Ayon kay CHED Commissioner Popoy De Vera, mayroong 8.3 billion pesos na pondo na inilaan ang kongreso para  unti- unting gawing libre ang higher education sa public sector.

 

https://youtu.be/j6U0qLHcoXw