Sports — Local

Aces wagi kontra ROS 94-89

Wagi rin ang Alaska Aces laban naman sa koponan ng Rain or Shine Elasto Painters. Sa iskor na 94-89, naging sulit ang ginawang team efforts ng Aces na pinangunahan ni Jvee Casio na gumawa ng twenty five points. Dahil dito, tiyak na ang ikalawang pwesto ng Aces na may twice to beat advantage para sa next round. Habang kakailanganin pa namang magharap ng Blackwater Elite at Rain or Shine para sa huling pwesto ng quarterfinals. […]

Star tinambakan ang Mahindra 124-87

Panalo ang Star Hotshots kontra sa Mahindra Floodbusters sa huling araw ng pagpapatuloy ng 2016-2017 PBA all-Filipino cup. Tinambakan ng Hotshots ang Floodbusters sa iskor na 124-87, sa pangunguna ni Allein maliksi na nagtala ng trenta’y-tres puntos habang gumawa naman ng labing anim na puntos si Paul Lee at limang assist. Dahil sa panalo, hawak ngayon ng Star ang kartadang pitong panalo at apat na talo. (Photo courtesy of Philippine Basketball Association)